JOHN RONALD BARBA: IPINAGMAMALAKING ATLETANG LYCEAN

Q : Sino ba si John Ronald Barba sa kanyang ugnayan sa kanyang pamilya?

Palagay ko po ay isa po akong mabuting anak at tinutulungan ko po ang pamilya ko po lalo na po si Mama ko.

Q : Sino ang pinaghuhugutan mo ng inspirasyon sa buhay?

Ang pinaghuhugutan ko po nang inspirasyon ay si Mama po kasi gusto ko po talaga tulungan si Mama po sa mga paghihirap niya po sa akin. Dati po nung maaga pong namatay si Papa po, bata pa po kami. Napalaki po kami ni Mama nang maayos po at nagpakahirap po siya mapakain lang po kami at mapag-aral. Gusto ko po suklian yung sakripisyo niya po.

Q : Paano nagsimula ang pakikilahok mo sa sports?

Nagsimula po yung paglalaro ko po nang basketball nung 10 years old po ako. Lagi po ako naglalaro sa mga court po hanggang sa makuha po akong varsity noong nasa elementary po ako. Dun na po ako nagsimula magtraining at magimprove po.

Q : Ano ang pinakamalaking achievement mo sa paglalaro?

Pinakamalaking achievement ko po siguro yung makapaglaro po ako sa Big Arena po sa Pinas at ma-represent ko po yung school/city po na pinanggalingan ko po at maipakita ko po yung talento ko po sa paglalaro po nang basketball.

Q : Paano mo naman natututukan din ang iyong pag-aaral?

Una po, mahirap po talaga na makahabol po sa mga lessons sa school kaya minsan po nagkakaroon po nang academic problem po ang isang athlete. Kasi po dahil po sa time, minsan po gabi na po natatapos yung training po pero kaya naman po mapagsabay. Meron naman pong mababait na teachers na pinapahabol po kami at binibigyan nang extra day para po mahabol yung mga missed works. Kaya din po student athlete basta tandaan lang niya na “student first before athlete” po. Iyon pa din po talaga ang pinakamahalaga; ang pagaaral po.

Q : Ano ang nakikita mong kinabukasan para sa iyo?

Sa ngayon po nagpupursige po ako magtraining po nang mabuti, maglaro, at magaral po para makarating po ako sa pangarap ko po na maging PBA player po pero ang iniisip ko po muna ay makatapos po nang college at makakuha po nang diploma. Kung hindi po palarin na hindi makaabot sa pro-basketball, ang mahalaga po makatapos po ako nang kolehiyo.

Q : Sa anong paraan nagiging positibong impluwensya ka sa ibang kabataan?

Sa pagiging humble po and matulungin at pagiging mabait po na tao. Kahit na alam ko po na may mga nag-iidol po sakin sa paglalaro, hindi ko po tine-take advantage po yun para mang-api o mang-maliit sa kapwa. Sa lahat po ng tao malaki po ang respeto ko. At pantay-pantay po lahat ang pakikitungo po.

Q : Bilang kabataan, paano mo isinasabuhay ang iyong pagiging maka-Diyos at maka-bayan?

Lagi po ako nagpapasalamat kay God dahil sa mga blessings niya na ibinibigay po at sa talento ko po at sa pag-protekta niya po sa family ko. Kung hindi po dahil kay God wala po ako sa ganitong sitwasyon po ngayon na makapaglaro po sa NCAA basketball. Maraming bata po ang pinapangarap makapaglaro at isa po ako sa binigyan ni God ng chance po. Lagi po ako nagdadasal before matulog po and before game and nagsisimba. Hindi po ako nakakalimot po sa kanya sa mga achievements po na binigay niya po sakin. Iniingatan ko po ang kapaligiran; hindi po ako basta-basta nagtatapon ng basura kung saan-saan and super-proud din po ako na marepresent ko po yung bayan ko at school ko.

Q : Ano ang naitulong ng LPU- Cavite sa iyong paglago bilang tao at bilang atleta?

Sobrang laki po ang naitulong ng LPU-Cavite po sa akin kasi po una po kinuha ako bilang athleta at tinanggap po bilang pamilya at binigyan po ako nang scholarship at allowances po nang libre. At yung culture at experiences na natutunan ko po sa LPU-Cavite na madadala ko po habang buhay po lalo na po sa magandang pagtuturo po at facility po ng school.

Sobrang ganda na po nang school sobrang babait pa po ng mga teachers po at Admin o school officials - si Vice President po, mga athletics officials, coaches, at lahat po ng mga sumusuporta po sa amin, sobrang babait po na itinuring po kaming mga anak at ginabayan po.

Q : May mensahe ka ba sa mga sumusubaybay sa sports career mo?

Sobrang “thank you” po sa lahat, unang una po kay God po na dahilan po nang lahat. Sobrang “thank you” po kay Sir Robert P. Laurel, kay Ma’am Tess Pilapil po, kay Ma’am Gerlyn, Sir Jason, Boss Allan, Boss Andro, Coach Topex po, Coach LA, Coach JC, Coach Fred, Coach Patrick. Ganun din po sa mga teachers, ibang admin tulad ni Sir Andy, sa mga officials po. At sa lahat po ng naniwala at nagtitiwala po sa amin simula po nung rookie season ko po. Nakaya po namin sobrang makapasok nang final 4 po at hindi po sila nagsawang magtiwala po samin. Sobrang “thank you” po sa walang hanggang suporta po ang binigay niyo po sa amin po. Sila po yung mga taong hindi po kami iniwan at sila po yung nakakita po nang pagsa-sacrifice po naming. Hindi po kami matututo inside and outside the court kung hindi po dahil sa kanila at sa pag-improve po namin sa paglalaro po. Thank you po muli.

Arts and Sciences

Web Editorial Login